Monday, October 8, 2018

Pagsusuri ng Pelikulang "A Second Chance" By: Calm

                   Sa simula hanggang sa matapos, naka-highlight talaga kung gaano ka ganda ang pagmamahalan sa pelikulang ito. Nag simula sa isang gabi, sa isang pangako ng dalawang ikakasal na si Rodolfo Popoy Gonzales (John Lloyd Cruz) at si Basha Gonzales (Bea Alonzo). Pag kalipas ng ilang taon ng kanilang kasal, may dalawang babae na nag-iinterview sa kanila, para daw sa kanilang thesis defense, "Married couples in Millenial Generation". Kitang kita sa kanilang atmospera na hindi talaga maganda ang daloy ng kanilang relasyon. Sinagot ni Popoy ang pinakaunang tanong habang kinunan sila ng video sa camera. Ipinakita sa malaking telon ang nakaraan nila Popoy at Basha, ikinuwento nila kung gaano sila kasaya nung bago pa sila nakasal, kung pano sila ka matagumpay sa kanilang career. Dahil sa galing ng dalawa, nabiyayahan sila ng perpektong propesyon para sa kanila, (Engineer Popoy at Architect Basha) at nakapag patayo pa sila ng sariling kompanya (Gonzales + Gonzales). Walang sawa silang naghahangad sa kanilang pangarap at dun nakamit nila ang isa sa kanilang pangarap at yun ang pagkakaroon ng anak. Ngunit may isang pagsubok silang na daanan, at yun ang pagka-laglag ng anak nila. Subalit sa napakalaking trahedya na nangyari, tuloy pa rin ang suporta sa isa't-isa, tumigil sa pagtatrabaho si Basha para magka-anak ulit pero dito nag umpisa ang pagka sunod-sunod na pagdating ng kanilang maraming problema at pagsubok sa daloy ng kanilang relasyon at buhay. Puno ng utang ang kanilang kompanya, hindi na sumang ayon ang katawan ni Basha na magka anak dahil kahit sa bahay nila pagod parin sya at palagi nalang nag aaway ang dalawang mag-asawa na ito ang dahilan sa pagkawasak-wasak ng daloy ng kanilang relasyon.
               
                    Malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pagmamahalan, kahit palaging nag-aaway sina Popoy at Basha, hindi pa rin namatay ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Nakapagbigay inspirasyon din ang ipinakita ng pelikula tungkol sa pakikipagkapatiran. Walang sawang sumuporta ang kanilang mga kaibigan at mga kapatid nila kapag sila ay nakaharap ng pagkabiguan. Maraming eksina si John Lloyd Cruz kung paano niya hinarap ang mga Problema, hindi lang problema kung di, kung paano rin siya naghanap ng paraan para sa makamit pa rin nila ang kanilang pangarap. Konsistent din ang ipinakitang pagganap ni Bea Alonzo bilang asawa ni Popoy at isang architect sa kompanya nila. Marami siyang eksina na parang mawalan na siya ng pag-asa dahil hindi na niya maintindihan si Popoy kung bakit siya palaging init ang ulo at sa palagay niya na parang nabigo din siya bilang isang asawa.

                      Napakaganda ang pangkakasulat ng iskrip, maraming binitawan na mga quotes, hugot lines at nakaka-inspire na mga linya ang mga aktor at aktress ng pelikula. Damang-dama talaga kung anong damdamin ang gustong iparamdam ng mga aktor. Lalong-lalo na yung nalaman na ni Basha ang totoo na malapit nang magka-bangkarote ang kanilang kompanya na matagal nang itinago ni Popoy. Mas marami nang mga problema ang umabot sa kanila hanggang napilitan silang magpili ng napakamahirap at napakamalungkot na mga desisyon.

                       Nakakapatulo luha, makakapagising sa katotohan at nakakabigay inspirasyon ang pelikula. Buong puso nilang ibinigay sa atin kung tungkol sa ano talaga ang istorya. Perpektong humahalo ang mga background musik sa bawat eksinang ipinapakita. Lalong-lalo na sa bandang huli, nung nagpili si Popoy ng napakamahirap na desisyon, mag abroad ba o ang kanyang mahal sa buhay.

                        Damang-dama talaga ang hirap, lungkot at sakit na desisyon na kanyang pinili pero nagwagi parin ang pagmamahal, lumiko si Popoy at pinili niya ang kanyang mahal sa buhay at yung pangarap nyang gusto makamit at yun yung ma approbahan ang kaniyang ginawang proyekto.

                        Sa kabuuan, ang pelikulang "A Second Chance" ay isang napakandang pelikula. Nakapagbigay inspirasyon ito sa mga mag-asawa ngayon lalong-lalo na kapag nahirapan sila sa kanilang sitwasyon ngayon. Nakapagising din ito sa mga ikakasal na dapat mag plano ng maigi para hindi mahirap ang kanilang daan sa kinabukasan na kanilang bubuohin, at dapat may malakas silang pag titiwala sa isa't-isa. Buong ipinakita din rito na kahit anong pag subok ang madaanan, pagmamahal pa rin ang magwagi.


                                                                                 Picture from:                                                                                  URL: https://entertainment.abscbn.com/tv/updates/hugot-lines-from-a-second-chance?pic=4  

No comments:

Post a Comment